Our word for the day is 'deserve.' Talagang deserve mo ang tumawa at 'sumakses' ngayong Miyerkules. Our 'Chinita Princess' Kim Chiu, naluha sa sobrang happiness, overwhelmed sa suporta at pagmamahal na natatanggap para sa pelikula niyang "My Love Will Make You Disappear." Isang masayang pagbati rin ang ipinaabot ni Kim at ng buong ‘Showtime’ family kay Star Magic Head, Lauren Dyogi, na nagdiriwang na kan’yang kaarawan.
Good vibes ay never magdi-disapear sa pamilyang 'to! Sa cuteness pa lang ni Ayesha ay buo na ang araw mo. At kahit nga isang puntos lang ang naibigay niya sa Team Vhong Navarro, Kelsey, Kim, MC, at Darren Espanto sa ‘Ansabe,’ love pa rin ng lahat ang cutie na 'to!
Promise ni Ogie Alcasid kay Kulot, magsha-shopping sila 'pag nakarami ng tamang sagot. Aba! Mukhang effective ang reward dahil three points ang ibinigay niya sa teammates na sina Ogie, Ryan Bang, Maki at Imogen.
Ang grupo ni Jhong Hilario, ready nang sumuko 'di pa man nagsisimula ang laro. Nagbabalik kasi si Lassy, na hindi raw masyadong lucky. Pero unexpected ang performance ni buli-lip reader Argus, na nakakuha rin ng three points. Solid din naman kasi ang teamwork nina Jhong, Ion Perez, Teddy Corpuz, Lassy, at Enicka.
So, sino ba talaga ang hindi lucky sa larong ‘Ansabe?’
Tuloy ang laban ng mga boses na pangmalakasan sa Day 3 ng TNT All-Star Grand Resbak. Kinumusta ng 'Showtime' hosts ang mga aspiring kampeon na bumirit kahapon–sina Raymundo Alavarez ng Pangkat Alab, Ayegee Paredes ng Pangkat Alon, Jezza Quiogue ng Pangkat Agimat, at si Nowi Alpuerto ng Pangkat Amihan na highest scorer kahapon. Nakaramdam nga ba sina Jezza at Nowi ng pressure sa unexpected 'rematch' nila? At anong aral ang ibinigay ni Ayegee sa mga kagrupo?
Walang aatras sa laban! Sina Froilan Cedilla, Psalm Manalo, at Neithan Perez na umawit noong Day 1, nag-aabang ng kanilang magiging kapalaran. Biro ni Vice Ganda, biglaan niyang sinagot ang pamasahe ni Froilan, na muntik nang umuwi pa-Tarlac. Walang uuwi! Kundi 'mapapahiya' raw si Meme! At para hindi mapahiya, sa fake news ay huwag maniwala. Nagbigay ng babala si Meme tungkol sa mga pekeng balita na may kinalaman sa kan’ya. Hindi naman napahiya si Ion sa biglaang song number niya.
The competition is on! Kumaripas ang vocal prowess ni Phoebe Salvatierra ng Pangkat Amihan na inawit ang "Ain't Nobody (Loves Me Better),” dedicated to her husband na himalang nakaligtas sa isang pagsubok sa kalusugan. Pinuri ni Punong Hurado Ogie Alcasid ang soulful singing ni Phoebe.
Rumaragasa ang galing ni Makki Lucino ng Pangkat Alon. Parang banayad na alon ang pag-awit niya ng "Rescue." Sabi ni Hurado Zsa Zsa Padilla, isa siyang 'halimaw' sa entablado. Teka, may hinahanap lang si Meme. Nasa'n daw 'yung leeg ni Makki? Ang kantahan, nauwi na sa ‘puksaan.’ Si Makki, palaban din sa bardagulan!
Boses niya'y nag-aapoy, pangarap niya'y nagliliyab! Kakaibang "Oops!... I Did It Again" ang inihain ni Judylou Benitez ng Pangkat Alab.
Pinaluha naman ni Vensor Dumasig ng Pangkat Agimat ang lahat sa studio, kabilang na ang mga hurado, sa pagkanta ng "Handog." Para kay Hurado Lani Misalucha, si Vensor ay larawan ng humility, determination, and talent. Naantig ang lahat sa ipinahayag na pasasalamat ni Vensor kay Vice Ganda, na siya palang tumutustos sa pag-aaral niya. Proud na proud naman si Vice sa kan’yang scholar na may mataas na pangarap at mabuting puso.
Matapos ang salpukan ng mga boses na palaban sa tanghalan, ang nakakuha ng pinakamataas na marka (97.7%) ay si Makki ng Pangkat Alon. Sa ngayon, ay may dalawang puntos na ang team niya. Pero may panahon pa ang ibang pangkat na bumawi at umangat!
#itsshowtimeonline
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment
Тэги:
#ABS-CBN_Entertainment #Entertainment #ItsShowtime #Person:ViceGanda #person:VhongNavarro #person:JhongHilario #person:AnneCurtis #person:Karylle #person:RyanBang #person:TeddyCorpuz #person:JugsJugueta #person:AmyPerez #person:KimChiu #person:JackieGonzaga #person:IonPerez #person:OgieAlcasid #vertical:Entertainment #And_The_Breadwinner #20250311online #Showtime_March_11_2025 ##ItsShowtime_FullEpisode ##ItsShowtime #Its_Showtime #Showtime ##Showtimeannebongga #Showtime_Full_Episode #Full_Episode #YTopsRuel